Maraming natuwa sa balita na hindi na mandatory ang pagsuot ng face shields, at isa si Kim Chiu sa mga masayang nag-paalam dito, kung saan gumawa pa siya ng open letter para kay “face shield.”

Pinost niya sa social media ang kanyang katuwaan, pasasalamat at pagpapaalam sa isang bagay na naging malaking parte sa kanyang buhay.

“Salamat sa lahat ng pinagsamahan natin, almost two years din tayong mag-ON, masaya ako na dumating ka sa buhay ko kahit minsan naiinis nako sayo pero wala akong narinig na reklamo mula sayo, salamat sa pag protekta sakin sa mga bagay na kinakatakutan ko,” sulat ni Kim Chiu.

“Ikaw pa nga ang unang humaharap. Masaya ako na nakilala kita face to face. Mamimiss kita, pero I think its about time to let go!!!! Ingat ka ha?? Wag kana balik. Salamat nalang sa lahat. Move on na tayo!” dagdag niya.

Tila nagpapaalam sa isang matalik na kaibigan na naging toxic na overtime kaya ayaw mo na ulit makita. 😅

Sa bandang huli, naglagay siya ng #SalamatFaceShield.

Kim Chiu Instagram post

Nagustuhan at nalibang ang mga fans nang mabasa nila ang post ng aktress. Naging viral pa ito kung saan sa loob lamang ng dalawang araw, meron na agad itong mahigit 60,000 likes.

Kamakailan, tinanggal na ng Inter-agency Task Force (IATF) ang mandatory na pagsuot ng face shields pero sabi nila na nakadepende pa rin ito sa discretion ng mga business establishments at employers.

“Kaya pwede pong i-require ng mga employer ang mga empleyado nilang mag-face shield sa kanilang work places at pwede rin pong i-require ng private establishments ang mga customer nilang mag-face shield,” ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles base sa ulat ng PNA.

📷 @chinitaprincess Instagram

Instagram