Sa kaarawan ni Neil Arce, may nakakatuwa at sweet na message ang kanyang asawang si Angel Locsin.
Sa Instagram post ni Angel, ikinumpara niya ang photography skills ni Neil kina Erwan Heussaff, Dingdong Dantes, at Dominic Roque at sinabing hindi man kasing galing ni Neil sila pagdating sa pagkuha ng larawan, panalo naman siya sa effort na kanyang ibinibigay.
“Hindi man siya kasing galing nila @erwan @dongdantes at @dominicroque mag-picture, hindi naman siya nahuhuli pagdating sa effort,” sulat ni Angel batay sa ulat ng ABS-CBN News.
“Kaya talo man ako sa ganda ng feed nila @annecurtissmith @marianrivera at @beaalonzo, panalo naman ako sa pagmamahal at kasiyahan na binigay niya sa ‘kin.”
“Maligayang kaarawan my love @neil_arce. Mag-aral ka lang mag-picture, sobrang perfect mo na talaga” dagdag niya.
May iniwan naman na simpleng mensahe si Neil para sa kanyang misis sa comment section, “I love you!!!”
Noong Agosto 2021 ikinasal sina Angel at Neil.
(ABS-CBN News)