Marami nang mga tao ang dumaan sa buhay nina Bea at John Lloyd, ngunit para sa kanila,isang bagay lamang ang hindi nagbabago, ang isa’t-isa.
Nito lamang Martes sa isang media roundtable, para sa premiere ng kanilang Jollibee Studios movie na pinamagatang “One True Pair”, inamin ni John Lloyd Cruz na ang kanyang relasyon sa totoong buhay kay Bea Alonzo ay halos tulad din ng kanilang mga ginagawang pelikula.
“Tingin ko,hindi pa ba?” sagot ni John Lloyd nang tanungin siya ng Philstar kung si Bea nga ang kanyang soulmate.
“Tingin ko,kung kailangan pa ba ng another 20 years to define it? I think two decades is more than enough para i-seal ‘yung souls natin” sinabi nito kay Bea.
“Alam mo ‘yun, especially in the context of collaboration and moviemaking,I think hindi naman imposible na nag-eexist side-by-side ‘yung souls namin” paliwanag ni Lloydie.
Samantala sumingit ng sagot si Bea na “May mga souls ba kami?”
“Pero kasi hindi ko alam kung talagang i-ano mo na soulmates kami kasi parang…pwede siguro kung pagbabasehan mo ‘dun sa lagi kaming pinu-pull back together,parang lagi kaming pinupull-back ng pagkakataon and every time na may pagsasamahan kami, it feels like magic. At least, para sa’kin. And nakita ko na s’ya sa iba’t ibang pagkakataon ng buhay n’ya. Nakita ko na rin s’ya sa iba’t ibang pagkakataon ng buhay ko. Nakita n’ya ko nagbago.Nakita ko rin s’ya nagbago and somehow,it still feels to be together,” pahayag ni Bea.
“We can still stomach each other!” sabi naman ni Lloydie.
“Kaya pa namin sikmurain! Siguro ‘yun ‘yung soulmates. I don’t know,” saad naman ni Bea habang tumatawa.
Sa interview naman ni Mark Christian Perlade sa media roundtable, isiniwalat ni Bea na hindi naging maganda ang simula nila ni Lloydie.Inamin ni Bea na hindi nya gusto na gumawa ng mga eksena kasama si John Lloyd. Pero sa paglipas ng mga taon, somehow na diskubre na nila kung paano magkaroon ng harmony sa isa’t isa, at ngayon hindi na nila alam kung anong “label” ang meron sila.
“You’re right,it wasn’t instant. We weren’t friends in the beginning,” pahayag ni Bea.
“But after being strangers, we’ve become friends. Actually, marami na kaming pinagdaanan. We were strangers then become friends and then enemies and then more than friends and somehow, parang hindi ko na nga malagyan ng label what we are.Parang at least sa pakiramdam ko,hindi na lang s’ya,It’s not a love team anymore or friendship…Like I said, we’re always here for each other and siguro mayroon ding rason kung bakit lagi kaming bumabalik sa isa’t isa.”
Bago pa man maganap ang media roundtable, inamin na ng dalawa sa isang panayam ni Joyce Pring na naniniwala sila sa soulmates.
“Ako I believe in soulmates and destiny,na may aong nakalaan para sa’kin.But I also believe na hindi lang limited ‘yung soulmates sa romantic partner.It could be your best friend,mga pinsan mo,nanay mo,kapatid mo,tatay mo. And ang definition siguro ng soulmates, para sa’kin, are two people who have intense feelings for each other or who have this unbreakable bond.Hindi lang s’ya necessarily just romance,” paliwanag naman ni Bea.
“Sana meron pa ‘kong pwedeng idagdag du’n. I believe the same thing” dagdag naman ni Lloydie. ‘Di s’ya limited to romance.’Di s’ya limited to that context na nakasanayan natin…parang between two people ‘yun na ‘yung pinnacle na pwede n’yong maabot in terms of having a relationship.Parang ‘yun na ‘yung pinakahigpit na tingin kong idea ng pinakabond between two people.
“It’s almost marriage na rin, ‘no?” sabi naman ni Bea.
“Nand’un s’ya sa level na ‘yun. In your life, kung mahanap mo ‘yung soulmate or soulmates mo, I guess that you’re lucky. ‘Di lahat nahahanap ‘yun. Pwedeng sobrang dami mong naging partners, sobrang dami mong naging romantic partners pero ‘yung soulmates parang rare.”
(PhilStar)
📷 @beaalonzo Instagram