Ibinahagi ni Chito Miranda kung paano nabago ang kanyang buhay nang magkaroon siya ng sariling pamilya.
Pinost ng frontman ng Parokya ni Edgar sa Instagram ang isang larawan na nagpapakita ng kanyang pamilya.
According to the local musician, one thing that he loves about having a family is that it gave him a “deeper purpose in life.”
Ayon sa local musician, nagkaroon siya ng “deeper purpose in life,” simula nang magkaroon siya ng pamilya.
“Before, it was just me, and my band, and that was it… and that “purpose” grew old fast once I had everything I wanted. Parang wala na akong goal sa mundo kasi nakuha ko na lahat ng gusto ko sa buhay,” sulat niya sa caption.
Nag-shift rin ang kanyang priorites, sabi ni Chito, biglang nagkaroon siya ng “something bigger and more important”
kaysa sa kanyang sarili.
Lahat na naging malinaw at simple, sapagkat ang kailangan niya lang gawin ay mag-concentrate kung ano ang best para sa kanyang beloved family,
“Their well-being and happiness became my primary concern above everything else… and ‘yun ‘yung naging kaligayahan ko sa buhay,” dagdag niya.
“I’m not saying having a family is the only way to have a purpose in life… but I guess having something bigger and more important than yourself, helps.”
Sa huli ng kanyang mensahe, sinabi ni Chito na ang iyong kasiyahan ang pinaka-mahalagang bagay sa iyong buhay.
“And for me, I found that [happiness] sa family ko. Go find yours,” aniya.
Sa mundong ito na napaka-gulo, lalo na ngayong panahon ng pandemiya, lahat tayo naghahanap ng ating kasiyahan, posibleng malapit lang pala ito sa atin at hindi lamang natin napapansin. Mapalad si Chito, nakita niya ang kasiyahan at purpose sa buhay sa kanyang binuong pamilya.
📷 @chitomirandajr Instagram
(GMA Network)