Hindi napigilan ni dating Goin’ Bulilit star John Manalo na maglabas ng sintemyento kaugnay sa naging resulta ng katatapos lang na halalan.

Halata ang pagkadismaya ng dating child star sa kanyang ibinahaging pahayag sa Instagram stories.

Narito ang nakasulat sa post ng aktor, “Nakakakilabot. Nakakagalit. Nakakasuka. Nakakadiri. Patunay na wala talagang kwenta ang edukasyon sa Pilipinas.”

“Kinahon ang mga utak. Para mapaglaruan. Minanipula. Ang mga mangmang ay nanatiling mangmang. Ang mahihirap ay mananatiling mahihirap. Ang mayayaman ay mas lalong yayaman.” dagdag niya pa.

Aniya pa, nakakaawa ang inang bayan.

“Binababoy ka lang ng mga anak mo. Hindi kalaban ang mga may pake. Hindi katunggali ang may malasakit.

“Ang sakit lang mag mahal sa bansang ito. Para bagang parte ng kaning kinamay at napansin. Damay damay lahat.” dagdag niya pa.

May be an image of text

Nangunguna sa unofficial reults ng presidential race si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na nakakuha ng mahigit 30,000,000 boto.

Instagram