Si Ivana Alawi ang itinanghal na Top YouTube content creator ngayong taon!

No surprises there, sapagkat marami at iba’t-ibang klaseng mga vlog ang kanyang ginagawa. May mga “A Day In My Life” na video, o kaya Q&A mukbang sessions, pati na rin mga pranks sa kanyang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Enjoyable rin panoorin ang kanyang mga vlogs, makikita mo kung gaano niya kamahal at pinapahalagahan ang kanyang mga kapatid at ina.

Dahil sa natanggap niyang achievement, nagpasalamat si Ivana sa pammamagitan ng kanyang Instagram story na may kasamang teary-eyed at heart emoji.

Sa ngayon, mayroong kabuuang 122 videos na ginawa si Ivana at nakakuha ito ng mahigit 936 milyong combined views sa lahat ng kanyang YouTube contents.

Simula nang gumawa siya ng account noong Hunyo 2018, mayroon na agad siyang mahigit 14.4 milyong subscribers.

Maliban sa award na bilang top content creator, ang kanyang vlog kung saan na-prank niya ang kanyang ina ang isa sa mga “most watched videos on YouTube in 2021.”

Bukod kay Ivana, ang iba pang mga content creators na nakapasok sa top 10 ay sina lifestyle vlogger Zeinab Harake, celebrity sisters Alex at Toni Gonzaga, at Kapamilya TV host Vice Ganda.

Kabilang sa listahan sina Donnalyn, Skusta Clee, Mika Salamanca, Hash Alawi at Cong TV.

📷 @ivanaalawi Instagram

(ABS-CBN News)

Instagram