Nagpasalamat si Andi Eigenmann sa lahat ng mga taong patuloy na nanonood ng kanyang YouTube videos para makatulong sa mga naapektuhan na residente sa Siargao dahil sa hagupit ng bagyong Odette.

Sa kanyang Instagram post, makikita ang kanilang family photo na nasa city playground na may caption,

“Sincerest thanks for your support in helping us earn enough to help rebuild several families’ homes in Siargao by watching our December videos on YouTube!”

Sa isang video ni Andi noong nakaraang buwan, sinabi ng celebrity mom na willing niyang i-donate ang kita ng kanyang vlog upang makatulong sa pag-rebuild ng kanilang island home, Siargao.

Bago ito, inamin niya rin na nahihirapan siya emotionally,

“Been having a tough time assessing how I feel but I realize, never mind that for now because after all of life’s uncertainty, there’s still so much to be grateful for,” sulat niya sa caption.

“My kids know for sure this is not “home,” but having both of us around somehow makes everything better,” dagdag niya.

Ayon kay Andi, malapit nang bumalik sa Siargao ang kanyang fiance na si Philmar Alipayo. Kaya for now, mag-coconcentrate muna siya sa pag-aalaga sa kanilang mga anak mag-isa.

“Although soon, Papa will be going back to the island again. I am more than happy to focus on our children for the both of us, knowing that he is able to help better from there,” aniya.

Noong mid-December, nag-landfall ang bagyong Odette sa bansa at nagdulot ito ng massive devastation sa maraming area ng Visayas at Mindanao.

📷 @andieigengirl Instagram

(GMA Network)

Instagram