Hanggang ngayon ay hirap pa rin umano si Sandro Muhlach sa nararanasang trauma matapos ang umano’y nangyaring pang-aabuso sa kanya ng dalawang independent contractors ng GMA sa isang hotel.

Sa kanyang Instagram story, sinabi nito na hirap pa rin siyang matulog simula nang mangyari iyon at araw-araw siyang inaatake ng trauma.

“What you did to me, it wrecked me. Hirap na hirap ako makatulog since it happened. Anxiety and PTSDs are hard to beat. Everyday akong hina-haunt ng trauma ko,” pahayag niya.

Sinabi rin nito na ayaw niyang mangyari sa kapatid niya ang kanyang sinapit.

“Ayoko mangyari sa iba yung ginawa sa kin. Kaya sinasabi ko sa kapatid ko na sana wag mangyari sa kanya yung nangyari sakin kasi hirap na hirap na ko.

“Diring diri pa rin ako sa sarili ko. Napakahirap tanggapin lahat ng ginawa sakin,” sey pa niya.

Nabanggit rin niya na palaging umiiyak ang kanyang ina na nasa America dahil sinisisi niya ang sarili niya.

“I’m trying my best to be okay para hindi mag-alala yung pamilya ko lalo na yung mommy ko na nasa America na araw araw umiiyak dahil sinisisi niya na malayo siya at hindi ako maprotektahan. But the truth is hindi ako okay.”

Nagpasalamat naman ito sa lahat ng mga kapamilya at kaibigan na nangangamusta sa kanya.

“Thank you to all my friends and family who always checks up on me. I really appreciate it. Ang laban ko ay para din sa lahat ng inabuso. The truth will prevail.”

PHOTO: Sandro Muglach/IG

Instagram