Ginulat ni Ryza Cenon ang kanyang mga fans sa kanyang pasabog na hair transformation.

Nagdesisyon si Ryza Cenon na magpakalbo para sa kanyang role sa pelikulang Lilim.

Sey ni Ryza, gaganapan niya ang role ni Helena na miyembro ng isang kulto sa pelikulang ito.

“Medyo na challenge ako don sa role na binigay sa akin, pag ganito kasing klaseng role, na-eexcite ako especially kapag ganito ka-dark, kaya nagdecide ako na magpakalbo.

“Skinhead talaga, kailangan pag nagawa mo siya talaga dapat committed ka talaga na kaya mo siyang gawin at hindi ka magsisisi kapag nagawa mo siya,” sey ng aktres.

Sa kanyang vlog sa YouTube, ipinakita ng aktres ang mismong pagkalbo sa kanya.

Ipinaliwanag din niya kung bakit siya pansamantalang tumigil sa pagtanggap ng mga proyekto at pagba-vlog.

SCREENSHOT: Ryza Cenon on YouTube

Instagram