Congratulations sa K-Pop band na BTS sa kanilang pagkapanalo sa 49th American Music Awards 2021 as Artist of The Year! Kung saan natalo pa nila ang mga kilalang at bigating performers.

Naganap ang nasabing event nitong Nobyermbre 21, at dito nasungkit ng seven member band ang grandest at biggest prize sa Music Awards- ang Artist of the Year.

Kabilang sa mga na-nominee para sa artist of the year sina veteran singer na si Taylor Swift, si Drake, pop singer Ariana Grande, teen phenomenon Olivia Rodrigo at Canadian The Weeknd.

At hindi lang doon nagtatapos ang achievements ng BTS, sila rin ang nakasungkit ng Favorite Song, dahil sa kanta nilang “Butter” at sila ring Favorite Pop Duo/Group.

Not surprise there, sapagkat maraming humahanga sa kanila, hindi lang dito sa Asya, kundi, pati na rin sa ilang bahagi ng mundo.

“We’re truly honored to be on this stage with such amazing, tremendous artists,” sinabi ni Kim Nam-Joon, kilala bilang RM.

“It’s been a long and amazing ride … nobody could have ever bet on the odds of us standing here and receiving this award, except you all,” dagdag niya bilang pasasalamat sa kanilang fans.

Sa huli ng show, nag-perform ng “Butter” ang BTS at nag-perform rin sila kasama ang Coldplay sa stage para sa kanilang rendetion ng “My Universe,” ito rin ang nagmamarka ng kanilang pagbabalik sa pagsasagawa ng live performance (post-pandemic).

“Loved the awards, loved the performances, but the best thing was just to see you guys finally. That’s literally everything,” sulat ni RM sa official Twitter Account ng BTS na may kasama pa ng kanyang larawan na naka-finger heart.

RM Twitter post

Ayon sa banda isang “miracle” ang kanilang pagwagi ng Artist of the Year.

Ang mga nominees ay base sa Billboard music chart performance, streaming at album sales, radio play at pati na rin social media engagement. Ang mga nagwagi ay pinili entirely ng mga fans.

(Reuters)

Instagram