Si Harnaaz Sandhu mula India ang nagwagi bilang Miss Universe 2021 na naganap sa Eliat, Israel, habang naka-abot ng Top 5 ang Philippine bet na si Beatrice Luigi Gomez.

Sinundan ni Sandhu si Andrea Meza ng Mexico, kung saan ang kanyang reign ay umabot lamang ng pitong buwan. Kinoronahan bilang Miss Universe 2020 si Meza noong Mayo 2021, sapagkat na-postponed ang pageant dahil sa pandemiya.

Natalo ng India ang 79 pang ibang candidates sa kumpetisyon. Maganda ang naging sagot ni Sandhu sa mga tanong na ibinigay sa kanya.

Samantala, 1st runner-up si Nadia Ferreira ng Paraguay at 2nd runner-up naman si Lalela Mswane ng South Africa.

Habang, naka abot sa Top 5 si Beatrice ng Pilipinas! Congratulations, she fought fiercely and elegantly throughout her journey to win the crown.

Bago ang kanyang exit, napahanga at napa-wow ni Beatrice ang mga audience sa kanyang maroon one-piece sa swimsuit segment, sa gold-studded dress niya para sa evening gown, at pati na rin sa kanyang performance sa question-and-answer portion.

Napili si Sandhu ng walong panel ng judges kabilang ang dalawang dating titleholders, TV personalities, at Filipina actress na si Marian Rivera.

📷 @MissUniverseMissosology FB page

(Rappler)

Instagram