Binasag ni Kris Aquino ang katahimikan ilang araw lang makaraang pabulaanan ng kanyang chief of staff ang mga haka-hakang nasa ICU siya at kritikal ang kondisyon.

Sa isang Instagram post nitong Lunes, Enero 24, 2022, ibinahagi ng “Queen of All Media” na nag-attend sila ng online novena mass habang naka-quarantine kasama ang kanyang bunsong anak na si James “Bimby” Aquino.

“This was taken by bimb last night while we were praying w/ the rest of our Cojuangco cousins & the Teopaco family’s closest friends during the Zoom novena Mass for my cousin Marla who passed away Friday, January 21, ” saad sa post.

Sey pa ni Kris, “It’s been disturbing that since Friday so many have been spreading fake news about me being either in St Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that i’m in the ICU and in critical condition. NONE OF THAT IS TRUE.

Tila ayaw raw siyang tigilan ng mga trolls na sabik sa kanyang kamatayan.

“Ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited yung mga trolls na within 1 year both Noy & me would pass away.

“Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because kuya josh & bimb still need me,” dagdag pa ng aktres.

Hindi rin si Kris nakalimot na magpasalamat sa mga kaibigan na nagkumusta at nagpadala sa kanya ng mga pagkain, bulaklak at iba pa.

“To all my REAL friends who have gone out of their way to reach out, send me food, fruits, flowers, balloons and just so much na nahihiya na ko- because they want to make make me feel their love & affection- you have my lifelong loyalty & gratitude.

“I have a lot more to say, perfect timing because birthday ng mom ko tomorrow January 25…my nurse has been signaling me, time for my meds, time for my shots (bad urticaria flare now) and lights out soon. Good night but definitely it’s not yet goodbye,” sey pa niya.

Noong 2018, na diagnose si Kris sa sakit na autoimmune disease na naging dahilan ng labis na pagbawas ng kanyang timbang.

TodoMag/MAS

Instagram