Naglabas ng bagong pahayag si Kris Aquino tungkol sa kalagayan ng kanyang kalusugan.
Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkues, January 12, 2022, isiniwalat ni Kris na hindi pa rin maayos ang kanyang kalusugan at malayo pa sa recovery phase.
Gayunpaman, hindi siya tumitigil sa pagtulong sa mga kapwang nangangailangan dahil hindi rin sila iniwan nang sila ang nangailangan.
Ayon sa TV host, “Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa.
“Simple ang dahilan ko, hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… i am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have given me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko,” aniya pa.
Nakiusap din siya na huwag pagalitan ang kanyang nurse dahil sa hindi pagsuot ng gloves habang tinuturukan siya ng IV line dahil siya mismo ang nag-request nito dahil nauubusan na siya ng ugat para sa insertion ng IV line.
“Isang request lang po, please don’t scold my nurse for not wearing gloves during our IV insertion- ako po ang nag request na tanggalin na nya kasi naubusan na ko ng veins for the IV line, fragile & weak kasi ang mga ugat ko. Whether doctor or nurse, inaabot minsan ng 8 attempts to get the line successfully in.
“Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood i already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because i have kuya josh & bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko. 💛”
Pinasalamatan din ni Kris sa kanyang post ang mga kaibigan na nagpadala ng mga bulaklak, pagkain at prutas, rosary, prayer books, ice cream at iba pa. MAS/TodoMag