Binasag ang boundary ng Miss Universe nang magkaroon ng transgender, plus-size at mother na contestant ngayong taon.
Transgender women:
Rikkie Valerie Kollé (Netherlands)
Marina Machete (Portugal)
Plus-sized:
Jane Dipika Garrett (Nepal)
Mothers:
Maria Camila Avella Montañez (Colombia)
Michelle Cohn (Guatemala)
Ngayong taon din ay winelcome nila ang kauna unahang delegate ng South Asian countries na si Miss Universe Pakistan Erica Robin na isang muslim.
Noong taong 2012 ay unang binago ng organisasyon ng Miss Universe ang rule na “naturally born females” at in-allow ang mga transgender na sumali sa kompetisyon.
Kamakailan lang ay prinoklama naman na simula 2023 mag co-consider sila ng mga “mothers and wives”, kasalungat sa nakasanayan natin na rules nila na dapat “single” na nasa edad na 18 hanggang 28.
Katatapos lang ng preliminary competition kung saan bigay na bigay ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee sa introduction, sa evening gown hanggang sa swimsuit category.
Ang coronation night ng Miss Universe ay gaganapin ngayong linggo ng umaga (Manila time) kung saan aabot sa 80 na contestants ang magpapasiklaban para maiuwi ang korona.