Ikinuwento ni Iwa Moto sa Tiktok ang kanyang experience sa tatlong batang namamalimos.
Chika ni Iwa, bumili siya sa isang shop sa loob ng kanilang village.
Bitbit lang niya noon ang susi ng kotse at cellphone dahil pwede naman gumamit ng e-wallet.
Pero paglabas niya mismo ng shop ay bumungad sa kanya ang tatlong batang inilarawan niyang small, medium at large.
“May binili ako sa isang shop sa loob ng village namin. So pagpasok ko I did not bring anything, di ako nagdala ng bag, ang dala ko lang, yung susi ng kotse at saka telepono ko lang kasi nga may e-wallet naman don.
So nabili ko na yung kailangan kong bilhin, tapos pagbukas ko ng pintuan, as in paglabas ko may tatlong bata, 3 kids, ahm small, medium, large,” saad niya.
Nanghingi ng pera ang pinakamalaki at sa kanila at sinabing gutom na sila, sagot naman ng isa ay para raw makauwi na sila.
“Sabi nung pinakamatangkad, ‘ma’am, ma’am pangkain lang po kasi gutom na kami’. Sabi naman nung middle na bata is para daw makauwi na sila, so sumagot ako. Sabi ko, ah eh wala akong barya eh, sabi kong ganon,” salaysay niya.
Nagpaliwanag naman si Iwa na wala siyang barya.
Pero biglang sumagot ang pinakamaliit na bat ana tumatanggap siya ng gcash at sabay labas ng kanyang cellphone.
“Alam nyo ba kung anong sabi nung maliit na bata, ‘ma’am ako po tumatanggap ng gcash’. I was like, ano? ‘Ma’am tumatanggap ako ng gcash, may gcash ako’ tas naglabas ng telepono,” sey pa ni Iwa.
Naloka si Iwa at hindi nakapagsalita sa sinabi ng bata, inabangin rin daw siya ng mga ito sa kotse na nakapose na parang Wakanda Forever.
Komento naman ng mga netizens:
“SAMEEE! May namamalimos samin kanina, sabi ko wala akong cash. Sabi ba naman “pwede pong gcash, pwede rin pong paymaya” SHOOKT IZ ME JUSKO”
“ALIW YUNG GULAT NUNG SINABI NA TUMATANGGAP YUNG BATA NG GCASH WAHAHHAHAHAHAHAHHA😂”
“hahaha pinaguusapan lang namin yan na magugulat kami if biglang magbigay ng gcash number. nangyayari na pala😂”