Naglabas ng saloobin ang LGBTQ+ singer na si Ice Seguerra kaugnay sa pagkakaaresto kay Pura Luka Vega.

Ayon sa singer, hanggang ngayon ay hindi pa rin patas ang batas para sa mga LGBTQIA persons.

Narito ang kanyang post sa Facebook:

“This only goes to show how archaic Philippine laws are. Madaling magsampa ng kaso sa isang taong naka “offend” ng religious beliefs nang karamihan but meanwhile, wala pa ring karapatan sa mata ng batas ang mga LGBTQIA persons na tinatanggalan ng trabaho, sinasaktan, pinapatay na most often than not, ay dahil din sa religion.

“Sa inyo, nung paniniwala ninyo ang tinamaan, grabe na kayo makaalma. Ang bilis niyong magsampa ng kaso. Kami, kabuhayan, karapatan, at dignidad ang inaalis ninyo sa amin pero ano, kibit-balikat lang at kailangan lang namin tanggapin at unawain?

“To our lawmakers, saan na ang sinasabi ninyong separation of church and state? Saan yung sinasabi niyong kaya kayo nandiyan ay para gumawa ng mga batas na pangkalahatan?”

Maaalalang inaresto ng Manila Police District ang viral drag artist na si Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagente dahil sa kasong Immoral Doctrine, Obscene, Publications and Exhibition and Indecent shows nitong Oktubre 4, 2023.

PHOTOS: Ice Seguerra, Manila Police District/Facebook

Instagram