Viral ngayon sa social media ang isang video ni Herlene Budol sa Question & Answer segment ng Miss Grand PH pageant ngayong taon.

Sa naturang video, tinanong sa kanya kung anong qualifications meron siya bukod sa kanyang malaking bilang ng tagasunod sa social media na magpapatunay na karapat-dapat siyang maging Miss Grand PH.

(She is seen being asked to cite qualifications she might possess, apart from simply having a huge social media following, that make her worthy of the Miss Grand PH title.)

Naging unang sagot niya: “Thank you for that long question for me…Charoz…I have a big followers because I have a big heart! O, English yun, ha?”

“Ano nga ulit yung tanong?”

“I think this is the right time. Last year siguro po hindi ko oras. Ang sabi nga ng adbokasiya ng Miss Grand is, ano ba yun? World peace and…stop the war and peace…and since I was young (giggles) — ang sarap mag English — naranasan ko pong ma-bully sa eskwelahan, mabugbog sa tahanan, at dumayo sa ibang bansa bilang… ay! Dumayo sa ibang bansa, natutukan ng tatlong baril na talagang armalite at naging isang dayuhan. Para sa akin ang solid ng experience na yun. Ayaw ko ma experience ng iba yon!

“Kaya bilang Miss Grand, sisimulan ko sa aking experience na ipalaganap sa ibang tao na huwag matakot. Kahit anong pinagdaanan ng mga tao na nakangiti, may katuturan yun. At ikaw ang magiging lakas ng ibang tao upang…maging lakas. Hindi ko ma-explain e…sana po nasagot ko.”

Kahit na mayroong iba na natuwa at nagustuhan ang kanyang pag sagot na mas-relaks at impromptu – ay iba namang nagsasabing hindi angkop, malayo ang sagot, at di bagay para maging kinatawan ng bansa para kumpetisyon.

Sa isang punto nagtanong pa siya sa mga taong nanonood kung sino ang may hawak ng nag-riring na cellphone at sagutin na ito.

Kayo ano sa tingin nyo?

Instagram