Tila nahawa na rin si Gov. Chiz Escudero sa kanyang fashion icon misis na si Heart Evangelista.

Nagbigay kasi ng reaksyon si Chiz sa komento ni Jojo Terencio sa wardrobe ni VP Leni Robredo sa presidental debate ng CNN.

Ayon kay Chiz, “Agree po… Pati wardrobe tinitingan ko na rin hahaha (heart’s influence on me perhaps) and it was also on point.”

Sey pa niya, “chic” raw ang naging paglalarawan ni Heart sa pink ensemble ni VP Leni.

Sa isang hiwalay na tweet, pinuri rin ni Chiz ang lahat ng mga sumali sa debate.

Instagram