Inamin ng aktres na si Ana Jalandoni na mahal pa rin nito si Kit Thompson sa kabila ng pananakit na natanggap nito mula sa kanya.

Pero hindi pa rin nito matanggap ang ginawang pananakit sa kanya ng boyfriend sa habang nasa isang hotel sa Tagaytay.

“Mahal ko pa rin naman siya hindi naman ganun kadaling mawala. Pero siyempre po hindi ko deserve yung nangyari sa akin. Hindi ko na iniisip kung magkakabalikan pa kami.

“Ang importante sa akin ay ipaglaban ko ang karapatan ko bilang babae. Talagang hindi ko matanggap yung nangyari sa akin. Pero yung sa love po andyan pa rin po yun,” saad ng aktres sa KF headquarters sa Quezon City onitong Lunes, March 28.

Handa raw siya na harapin sa korte si Kit at ipaglaban ang karapatan bilang babae.

Hindi rin napigilan ni Ana na maging emosyonal sa pagharap sa media nang balikan niya ang nangyari sa kanila ng kanyang four-month boyfriend.

“Hindi ko pa kaya ikwento. Nasaktan po ako. Hindi ko po kaya [idetalye] pero sasabihin ko na lang po ‘yung nararamdaman ko.

“Masakit po ‘yung pinagdaanan ko dahil hindi ko po ‘yun nakita, ‘di ko inaasahan ‘yung ginawa sa akin ng minahal ko. Wala pong babae na gustong masaktan [katulad] ng dinanas ko.

“Marami po akong pinagdaanan sa buhay, lahat po ‘yun [nalagpasan ko]. Pero ‘yung nangyari sa kanya, hindi ko po alam kung kakayanin ko. Hirap po ‘yung isip ko, hirap po ‘yung puso ko dahil nasaktan po ako ng lubusan,” sabi ng aktres habang humihikbi.

Noong March 18, nagviral sa social media ang umano’y pambubugbog ni Kit kay Ana sa Tagaytay.

Ipinakita pa ng aktres ang mga umano’y tinamo nitong sugat at pasa mula sa aktor.

May be an image of 2 people and flower
Ana Jalandoni/Facebook

Kasama ni Ana sa press conference ang kanyang legal team na pinangungunahan ni Atty. Faye Singson, Walter Baligod, at Greg Tiongco; kanyang ama at kapatid.

Nag-iwan din si Ana ng mensahe sa lahat ng mga kababaihang biktima ng pananakit, “Sa mga babaeng katulad ko na nakaranas ng ganitong pangyayari, huwag kayong matakot dahil unang una, hindi tayo dapat sinasaktan ng mga lalaki. Hindi dapat tayo pinagbubuhatan ng kamay. Kaya dapat pagusapan ninyo ng maayos. Kailangan labanan natin ang takot na yan. Hindi dapat gayahin ito ng kahit na sino man. Huwag po kayong papayag na sasaktan kayo.”

Instagram