Isa ka rin ba sa mga nananaginip ng hindi magandang bagay o senaryo sa iyong pagtulog?

Madalas ka bang magkaroon ng tinatawag na nightmare?

Alam niyo ba na ang mga ito ay maari nating ma-rewrite o mabago?

Ayon sa mga sleep therapist sa ibang bansa, ang ating panaginip ay maari nating baguhing muli lalo na kung ito ay masama.

Sinasabing ang lahat ng tao ay may kakayahang mabago ito sa maraming paraan.

Maaari umano natin itong i-ayon sa nais nating makita o maramdaman.

Paliwanang ni Ursula Voss, isang sleep therapist at psychology professor ng University of Frankfurt, maraming pamamaraan kung paano mabago ng isang indibidwal ang kanyang panaginip.

Halimbawa na lamang nito ay ang paggamit ng ilang palatandaan na pamilyar o may personal attachment sayu tulad ng bracelet.

Ang mga indibidwal na nakakaranas ng post-traumatic stress disorder (PTSD) ang ilan lamang sa mga pasyenteng maaring matulungan nitong dream therapy.

Ito ay upang maiwasan na magpaulit-ulit ang traumang kanyang naranasan at maihiwalay niyang ang reyalidad sa panaginip.

Gayunpaman, paglilinaw ni voss, ang paraang ito ay naayon parin sa personalidad at pinagdaraanan ng isang indibidwal.

Dapat parin aniya, sumailalim sa ibang mga test ang pasyente upang mapag-aralan ang kanyang kondisyon at takbo ng kanyang pag-iisip.

Instagram