Ang bagong person of the year ng Time Magazine ay walang iba kundi ang chief ng Tesla, space entrepreneur at ang pinaka-mayamang tao sa buong mundo na si Elon Musk!

Kinuha ni Musk ang title bilang “world’s wealthiest person” mula kay Amazon founder Jeff Bezon ngayong taon, at siya rin ang may hawak ng Tesla elctric car company at may impact pa siya sa labas ng ating planeta dahil sa kanyang SpaceX rockets.

“Musk’s rise coincides with broader trends of which he and his fellow technology magnates are part cause and part effect,” sulat ni Time editor-in-chief Edward Felsenthal batay sa ulat ng Agence France-Presse.

Sa mga trends na ito, nilista ni Felsenthal na ang, “continuing decline of traditional institutions in favor of individuals; government dysfunction that has delivered more power and responsibility to business and chasms of wealth and opportunity.”

Nauna nang tinukoy ng mga Time editior na ang title– na noong nakaraang taon ay napunta kay Pangulong Joe Biden at Bise Presidente Kamala Harris — bilang “people who embodied what was important about the year, for better or for worse.”

Noong Oktubre, ang valuation ng elctric car company ni Musk ay umabot hanggang trillion dollars!

At ang kanyang SpaceX ay nag-team up kasama ang US space agency NASA upang mag-launch ng iba’t ibang missions at magsagawa ng mga test run para maprotektahan ang planeta mula sa isang asteriod.

Ayon pa sa Forbes’ real-time billionaires list, lalo pang lumago ang kanyang kayamanan sa panahon ng pandemiya at umabot ito ng higit $250 billion!

Kilala rin si Musk na sa pamamagitan lang ng isang tweet, kaya niyang pagalawin ang market at ang value ng cryptocurrencies, pero ang main terrestrial influence niya ay ang kanyang mga electric vehicles.

Kitang-kita talaga kung gaano ka-influential at powerful si Elon Mask.

“Our intent with Tesla was always that we would serve as an example to the car industry, and hope that they also make electric cars so that we can accelerate the transition to sustainable energy,” sinabi ni Musk sa Time.

📷 The Royal Society

(Agence France-Presse)

Instagram