Nasanay ka na ba sa away-bati na set-up ng inyong relasyon?
Iyong maghihiwalay tapos magbabalikan. Tipong, biglang lilitaw nalang sa messenger mo ang “you can’t reply to this conversation” o di kaya’y eksena nang “blocked” at “unblocked” sa social media.
Naku, dapat iwas-iwasan niyo na ang ganitong set-up.
Dahil lumabas sa pag-aaral ng mga eksperto, ang “on and off” relationship ay nakakasama sa mental health ng isang indibidwal.
Ayon sa pag-aaral ng University of Missouri sa Colombia, ang “on-off relationship” ay naiuugnmay sa mataas na porsiyento sa pagka-abuso, mas mababang level ng commitment at mahinang komunikasyon.
Dagdag pa ng mga eksperto ang ganitong klase ng relasyon ay maiuugnay sa malaking psychological distress gaya ng anxiety at depresyon.
Ngunit may payo naman dito ang si James Preese, isang dating coach na laging isipin na mas mahalaga ang kalusugan kesa paglalaan ng oras sa isang taong lungkot lamang ang dulot sayo.
Kaya kapag inlove kayo, hinay-hinay lamang. Just take it easy. Maging maingat at tandaan na huwag ibigay lahat. Magtira para sa iyong sarili. Dahil kapag ikaw ay nabigo, maaari mo itong ikapahamak.