Mahilig ka ba sa Lipstick ?
Alam niyo ba na nakakapagpahaba pala ng buhay ang paglalagay ng lipstick ng mga kababaihan.
Ayon sa mga dalubhasa, ang proseso ng paglalagay ng lipstick ay nagsisilbing stretching exercise na nakakatulong upang ma-improve ang balance at coordination ng isang tao.
Lumabas sa pag-aaral ng University of St Etienne sa France, na ang mga kababaihan na laging naglalagay ng lipstick ay mayroong mas magandang balance, postura at hindi agad natutumba.
Isinagawa ang pag-aarl na ito sa isandaang babae na edad 65-85 years old na kung saan nilagyan sila ng special insoles upang matest ang kanilang centers of gravity at built para sa posture ayon kay Dr. Patricia Pineau, ang nanguna sa nasabing pag-aaral, magaganda ang tindig at bihirang nakakaranas ng pagkatumba ang mga babaeng ‘lipstick lover’ kesa sa mga hindi dagdag pa ni Dr. Pineau nakakatulong din ang pagkahilig sa lipstick upang maiwasan ang future debilitating false.
‘Hitting two birds with one stone’ ika nga nila dahil gaganda ka na, hahaba pa ang buhay mo.
Kaya girls, ano pang ina-antay niyo, lets start our day with our favorite lipstick and with a beautiful smile.