Madalas ka bang mairita sa iyong mister na madalas mag-fart o umutot?
Huwag mo na siyang sawayin dahil lumabas sa pag-aaral na may magandang epekto pala ang pag-amoy nito sa ating kalusugan.
Batay sa pag-aaral ng University of Exeter sa England, ang amoy ng utot ay may kasamang hydrogen sulfide na makikita sa amoy ng bulok na itlog.
Pero kasit nasusuka ka umano, ang amoy nito ay marami namang health benefits na taglay nitong kemikal.
Isa sa mga nadiskubre ng mga mananaliksik, ang sentisis ng bagong compound na tinatawag nilang AP39, na ginagamit ng katawan para sa natural na makagawa at maka-imbak ng sapat na bilang ng hydrogen sulfide.
Ayon sa University of Exeter ang pag-amoy sa kemikal na ito ay nakakapagtaboy ng sakit na kanser, stroke, heart attack, at nakakatulong din para makaiwas sa pagkakaroon ng arthritis at dementia.
Pero payo ng mga eksperto, huwag gawing hobby ang pag-amoy sa utot ni mister, dahil ang sobrang hydrogen sulfide umano ay puwedeng magdulot ng respiratory at neuron system damage.