Marami tayong maaring gawing libangan kahit nasa loob lamang ng ating mga tahanan. Ngunit, paminsan-minsan, aminin natin na nagsasawa at tinatamad rin tayo sa kaka-panood ng Netflix, pag-scroscroll sa Facebook, at kung anu-ano pa. Para maiba naman, bakit hindi subukan maglaro ng board games?

Monopoly, UNO, Chess, ito ang mga kadalasang alam nating mga tabletop games, alam nyo ba na may mga Philippine original board games tayo. Ito ang mga halimbawa ng mga Philippine board games, subukan laruin dahil “Playing board games increases brain function”.

Tadhana

Tadhana talaga na nandito ka ngayon para mabasa ito. Ang Tadhana ay isang adventure tabletop role-playing game na hango sa mga Filipino folklore, urban legends, at mythology. Sa pamamagitan ng larong ito, makakaranas ka ng mundong puno ng mahika at makakasalubong ka pa ng mga tikbalang, kapre, diwata at iba pang mga Filipino stories, epics, superstitions, at legends.

Games of the General

Games of the General Board Game

Bukod sa chess, games of the generals ang isa sa mga pinaka-sikat na board games na nilalaro ng mga kabataan. Ito’y ginawa sa Pilipinas ni Sofronio H. Pasola Jr. noong 1970. Sa Filipino, ang tawag sa larong ito ay, “Salpakan”. Ito’y nakakaaliw na laro at dinisenyo para sa dalawang manlalaro, at ang bawat isa ay may kontrol sa kanilang mga army. Pagalingan kayo mag-form ng mga stratehiya para maubos ang army nang kalaban o kaya’y masuwerteng makuha ang flag ng kalaban.

Codenames Philippine Edition

Codenames Board Game

Ito’y orihinal na galing sa Czech Games Edition. Ngayon, ang Gaming Library, sa pakikipag tulungan sa Czech Games Edition, ay gumawa ng isang localized version ng laro na akma at espesyal na dinisenyo para sa ating mga Filipino. Ang layunin ng larong ito ay mauna ka sa paghahanap ng lahat ng agents (represented by words on a word grid) ng team mo. May mga spymasters at assasin rin kaya masaya itong laruin lalo na pag mahilig kayo sa mga guessing games.

Politricks

Politricks board game

Nagsimula ito dahil gustong maipaliwanag ng isang Pinoy sa kanyang Singaporean na kaibigan ang katangian ng politika ng Pilipinas. Ito’y isang card game kung saan ang mekaniks ng laro ay manalo sa election sa maruming pamamaraan. Sa larong ito, ikaw at ang iyong mga kalaro ay mag papanggap bilang mga corrupt na politiko na tumatakbo para magkaroon ng posisyon sa gobyerno. Bribing, sabotaging, pork barrel scams at kung anu-ano pang maruming taktika, pwede mong gawin para manalo sa laro. Sa Politricks, may the worst person win! 🙂

HUGOT

Hugot board game

“Mabuti pa yung kape, mainit man o malamig, hinahanap-hanap pa rin.” Hugot! Ang mga Pinoy talaga, natural lang sa kanila ang “hugot lines” kahit sa anong larangan, pag-ibig, pag-aaral, pamilya at marami pa. Kaya naman, sigurado na magugustuhan niyo ang larong ito. Ito’y parang “Cards Against Humanity” kung saan mayroong hugot master na kumukuha ng card mula sa pulang tumpok na baraha, halimbawa “describe mo ang crush mo”, at mga ibang manlalaro kukuha ng isang black card na naglalaman lamang ng isang salita, tapos gumawa ng hugot na naayon sa paksa ng hugot master.

Si Darna at ang Nawawalang Bato – The card game

Darna-at-ang-Nawawalang-Bato board game

Darna! Sa mga mahilig kay Darna o sa mga superheroes tamang tama ito para sa iyo! Ito’y isang card game na nakikipag-unahan ang mga manlalaro para hanapin ang tunay na Puting Bato. Sapagkat, isa lamang sa limang bato ang totoong Puting Bato. Gamitin ang mga Player Cards para silipin, galawin, at makuha ang Puting Bato para maging si Darna!

“Alcadia: the Way Forward”

Alcaldia board game

Ang Alcadia: the Way Forward ay isang deck-building game set in the colonial Philippines, specifically pagkatapos ng 1521 colonization. (Awaken your leadership abilities) Gamitin ang talino kung paano ikaw bilang isang lider ng Alcadia o barangay kung tawagin natin (advance the Philippines) at magtayo ng isang Filipino community o makikipagtulungan ka sa mga Spaniards? Ang mga mechanics ng larong ito ay gumagamit ng freedom points, resources, at pera na kailangan para sa mga tools, allies o kakampi, o lokasyon.

Instagram