Ipinasa ng House of Representatives ang bill na nagpapahintulot sa mga married women na panatilihin ang kanilang mga maiden names, nito lamang Miyerkoles.
Inaprubahan ang House Bill 10459 kung saan ni-revise nito ang Article 370 ng New Civil Code of the Philippines (Republic Act 386) na may botong 227-0.
Isinulat ito nina, Rep. Luis Campos Jr., Rep. Arlene Brosas, Rep. Xavier Jesus Romualdo, Rep. Rufus Rodriguez, Rep. Lawrence Fortun, Rep. Tyrone Agabas, Rep. Joy Myra Tambunting, Rep. Gabriel Bordado Jr. at Rep. Cheryl Deloso-Montala.
Sa ilaim ng RA 386, ang isang married woman ay may tatlong choices:
- use her maiden first name and surname and add her husband’s surname
- use her maiden first name and her husband’s surname
- her husband’s full name but prefixing a word indicating that she is his wife, such as “Mrs.”
May idadagdag na component sa policy na nagpapahintulot sa mga married women na panatilihin nila ang kanilang maiden names at hindi gamitin ang apelido ng kanilang asawa.
Ang purpose ng bill ay “to promote equality between men and women before the law” by protecting married women’s right to keep their maiden surnames after marriage.
Ayon kay Brosas, may mga kababaihan na naging biktima ng mga domestic abuse at nahirapan maka-alis sa trauma na napag-daanan dahil parehas ang apelido nilang mag-asawa.
“Malaking hakbang ito para sa kababaihan, lalo’t hindi natin mapagkakaila na ang pagbabago ng apelyido ng isang babae ay porma ng diskriminasyon sa pagrerelasyon, na tila ba kailangan niyang pantayan ang pangalan ng kanyang asawa,” sabi ni Rep. Brosas sa ulat ng Manila Times.
(Manila Times)