Isang breakthrough para sa advancement ng medical technology! Sapagkat may nakagawa ng artificial intelligence system na kayang i-detect kung ang isang indibidwal ay magkakaroon ng heart attack sa susunod na taon sa pamamagitan ng routine eye scan!

Ang ating mga mata ay karaniwang tinatawag na “windows to the soul,” at ngayon, dahil sa isang AI tool na ginawa ng team mula sa University of Leeds, ito’y windows sa overall health na rin.

Ang retina ay isang small membrane na matatagpuan sa likod ng mata at mayroon itong light sensitive cells. Natuklasan ng mga doktor na “changes to the tiny blood vessels can hint at vascular disease, including heart problems.”

Naniniwala ang team na maaring magkaroon na ng “cheap and simple screening program for the world’s number one killer” salamat sa nagawa nilang AI tool.

“Cardiovascular diseases, including heart attacks, are the leading cause of early death worldwide and the second-largest killer in the UK. This causes chronic ill-health and misery worldwide,” pahayag ni project supervisor Professor Alex Frangi sa isang university release, batay sa ulat ng Study Finds.

Batay sa kanilang mga tests, kayang ma-predict ng computer ang mga pasyenteng nasa panganib ng heart attack sa susunod na 12 buwan na may 80% accuracy.

“This technique opens-up the possibility of revolutionizing the screening of cardiac disease. Retinal scans are comparatively cheap and routinely used in many optician practices. As a result of automated screening, patients who are at high risk of becoming ill could be referred for specialist cardiac services,” dagdag ni Frangi.

“The system could also be used to track early signs of heart disease.”

Gumagamit ng deep learning, isang advance type ng AI, ang mga study authors upang maturuan ang machine na automatically magbasa ng mahigit 5,000 eye scans. Ang mga scans ay mula sa routine eye tests ng mga participants na bahagi ng UK Biobank sa mga opticians o eye clinics.

“The AI system is an excellent tool for unravelling the complex patterns that exist in nature, and that is what we have found — the intricate pattern of changes in the retina linked to changes in the heart,” sinabi ng co-author na si Sven Plein ng British Heart Foundation.

(StudyFinds.Org)

Instagram