Ang mga manuscript na mismong si Albert Einstein ang nagsulat patungkol sa Theory of Relativity ay naibenta sa isang auction sa halagang €11.7 million euros ($13.17 million) o mahigit P560,000,000.

Isinulat ni Einstein ang 54-page document na ito noong 1913 at 1914 sa Zurich, Switzerland, kasama ang kanyang colleague at confidant na si Michele Besso.

Batay sa ulat ng The Guardian, na ayon sa Christie’s auction house, ang isinulat ng genius scientist ay “without a doubt the most valuable Einstein manuscript ever to come to auction,” kung saan noong una, ang estimate nila sa halaga ng manuscript ay aabot hanggang €2 million at €3 million.

Ang mga previous works ni Einstein ay naibenta sa halagang $2.8m para sa sinasabi nilang “God Letter” noong 2018, at $1.56m para sa isang liham patungkol sa “Secret to Happiness.”

“Scientific documents by Einstein in this period, and before 1919 generally, are extremely rare,” sabi ng Christie. “Being one of only two working manuscripts documenting the genesis of the theory of general relativity that we know about, it is an extraordinary witness to Einstein’s work.”

Sa kasalukuyan, ang manuscript na ito ay nagbibigay ng “fascinating plunge into the mind of the 20th century’s greatest scientist”, ayon sa Christie.

Namatay noong 1955 sa edad na 76 si Eisntein, at isa rin siya sa pinaka-magaling at matalino na theoretical physicists of all time. Salamat sa kanyang theories of relativity, na-revolutionized kung paano natin nakikita ang movement ng mga objects in space at time.

(The Guardian)

Instagram