Imposible ang makapagbenta ng bahay o ari-arian sa Asia kapag ang inaalok na properties ay may naganap na murder o suicide, ngunit, sa kabutihang palad, isang grupo ng mga matatapang na freelancer sa China ang magpapatunay na hindi ito ‘haunted’ — for a price.

Ito ay dahil sa batas na kailangang maging tapat ang mga real estate agents at i-disclose sa kanilang mga kliyente ang history ng binebentang bahay.

Kaya naging madali para sa mga tao roon na maiwasang makabili ng mga bahay na may trahendyang naganap dahil sa kanilang paniniwala na ito’y malas at may multo.

Kaya kalimitan sa mga bahay na katulad nito ay ibenebenta sa mababang halaga.

Naisipan ng mga property agents, owners at potential buyers sa China na mag-hire ng “haunted house testers”.

Ang mga ito ay binabayaran nila para matulog sa isang bahay na sinasabing may masamang nakaraan upang mapatunayan sa potential buyers na hindi ito malas at walang multo.

Karaniwan silang binabayaran ng isang Yuan kada minuto, at maaaring kumita ng pataas na 1,440 Yuan (US$220) para sa 24 na oras na pamamalagi, ayon sa Dahe Daily, isang news website na nakabase sa central province Henan.

Isa sa mga kilalang Haunted House Tester ay si Zhang, isang retiradong sundalo at ayon sa kanya, marami pa siyang kilala na may katulad niyang trabaho.

“This is a niche occupation. It’s not suitable to be a full-time job, but it can be a part-time gig. Workers need to fly across the country and they do not know where they will go next,” pahayag niya.

Sinabi rin ni Zhang na hindi mataas ang demand ng trabahong ito kung saan nakatanggap lamang siya ng isang order kada taon sa loob ng mga nakalipas na ilang taon.

Source: South China Morning Post

Instagram