For the first time in history, matagumpay na nai-transplant ng mga US surgeons ang puso ng genetically modified pig sa isang human patient!

Ayon sa University of Maryland Medical School, naganap ang surgery noong Biyernes, at sa unang pagkakataon, ipinakita nito na ang isang puso ng hayop ay maaaring mabuhay sa isang tao na walang immediate rejection.

How it Began

Nagsimula ito sa kadahilanang ang pasyente na si David Bennett, ay “ineligible” for human transplant. Kaya pumayag siya na subukan ang pig heart transplant.

“It was either die or do this transplant. I want to live. I know it’s a shot in the dark, but it’s my last choice,” sinabi niya isang araw bago ang kanyang surgery, batay sa ulat ng Agence France-Presse.

Inaprubahan ng Food and Drug Administration ang emergency authorization para sa surgery noong New Year’s Eve, bilang last effort para sa isang pasyente na unsuitable sa conventional transplant.

Thank Bennette’s lucky stars na na-survive niya ang operation.

Photo from UMSOM via Reuters

“This was a breakthrough surgery and brings us one step closer to solving the organ shortage crisis,” sinabi ni Bartley Griffith, ang nag sagawa ng pig heart. transplant.

“We are proceeding cautiously, but we are also optimistic that this first-in-the-world surgery will provide an important new option for patients in the future,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, ang 57-year-old Maryland resident ay masusing sinusubaybayan upang matukoy kung paano mag-perfom ang kanyang bagong organ.

“I look forward to getting out of bed after I recover,” dagdag ni Bennette na ilang buwan nang bedridden sa life support machine.

The Science behind it

Photo from UMSOM via Reuters

Ang donor pig ni Bennette ay mula sa isang herd na nag-undergone ng genetic editing procedure upang matanggal ang gene na nag-proproduce ng particular sugar.

Kung hindi ito ginawa, mag-tritrigger ito ng strong immune response at maaring humantong sa organ rejection.

Ang biotech firm Revivicor ang nag-perform ng editing, at sila rin ang nag-provide ng pig na ginamit sa kidney transplant sa isang brain dead patient sa New York noong Oktubre.

Nakalagay sa isang machine ang donated organ upang ma-preserve, at gumamit rin ang team ng bagong drug na may kasamang conventional anti-rejection drugs para ma-suppress ang immune system at para hindi nito i-reject ang organ.

Isa pala itong experimental compound na ginawa ng Kiniksa Pharmaceuticals.

Experiments tracing back to the 17th century

Ayon sa official figures, mga 110,000 Americans ang naghihintay ng organ transplant, at mahigit 6,000 ang namamatay bawat taon bago sila makakuha ng transplant.

Dahil dito, matagal nang pinag-aaralan ng mga doktor ang sinasabing xenotransplantation o cross-species organ donation, kung saan ang experiment ng mga ito ay nagsimula pa noong 17th century.

Noong una, ang pokus ng research ay ang pag-harvest ng organs mula sa primates– halimbawa, isang baboon heart ang na-transplant sa isang newborn na kilala bilang “Baby Fae” noong 1984, ngunit 20 na araw lamang siya nabuhay.

Photo from UMSOM via Reuters

Sa kasalukuyan, ang pig heart valves na ang kadalasang ginagamit sa mga tao, kung saan pati ang pig skin ay ang ginagamit pang-graft sa human burn victims.

“Pigs make the ideal donors because of their size, their rapid growth, and large litters, and the fact they are already raised as a food source.”

(By Issam Ahmed, Agence France-Presse)

Instagram