Isa ka ba sa mga taong nahihirapan maintindihan ang mga terms na kadalasang ginagamit ng mga Generation Z lalo na sa social media? Huwag kang mag-alala sapagkat narito ang paliwang sa ibat- ibang salita na ginagamit ng Gen Z.
Sa ulat ng “24 Oras Weekend” si Tita Grace o mas kilala siya bilang Tita G, ay gumagamit ng TikTok upang magbigay ng kaalaman sa mga taong nahihirapan makaintindi sa mga bagong slang words.
Ilan sa mga salitang ito ay ang “sakalam.” Isang salita na kadalasang ginagamit ng Gen Z para i-compliment ang isang tao, kung iyong mapapansin ang sakalam ay kabaliktaran ng salitang malakas.
Isa pa ang “sus,” ito’y mas maikling version ng salitang suspicious.
Samantala, may mga bagong salita na ginawa na may etymological explanation.
Ito ang, “scoobs” mula kay Scooby Doo, na isang cartoon character na Great Dane, na nangunguhulugang “no way.” At coincidently, ang Filipino slang word ng “no” ay “deins.”
Meron ring “carps,” ito ay salita na nagmula sa carpet o rug na ibig sabihin ay “game ka ba? Sapagkat ang rug, kung i-propronounced lamang gamit ang letters nito, ay “r u g?” o short version ng “are you game?”
Isa sa mga ginagamit pa ng Gen Z ay “awit” o (“aww” at “ang sakit”) na pinag-sama.
At ang pinaka-popular na salita na halos araw-araw ginagamit ng Gen Z ay ang, “Charot” sigurado na narinig na natin itong slang word. Ito’y nangunguhulagang “I’m just kidding!”
Sa ebolusyon ng mga salita, mayroon ding isa na walang tamang paliwanag. Ito ay ang “sksksks,” na nilalayong ipakita na nag-type ka lang ng mga random na titik dahil sa sobrang pagtawa o pagkabigla.
Ayon kay linguist Prof. April Perez, malaki ang naging bahagi ng teknolohiya at modernization sa kung paano nabuo ang mga bagong slang. Ito rin ang patunay na ang Filipino language ay nag-eevolve pa rin hanggang ngayon.
(GMA Network)