Pagod ka na ba dahil sa palagi nalang kayo nag-aaway ng partner mo?

Hindi mo ba alam na, ‘the couples that argue together, stays together’?

Ayon kay Joseph Grenny, co-author ng The New York Times, maraming magkaka-relasyon na umiiwas na pag usapan ang mga sensitibong isyu gaya ng pagtatalo na hindi nila alam na makakabuti para sa kanilang relasyon.

Sinabi pa ni Grenny na ang poor communication ang isa sa mga dahilan ng ‘failed relationship’.

Bilang bahagi umano ng relasyon, pinakamahirap pag-usap ang tatlong bagay gaya ng sex, finances at irritating habit dahil kadalasan hindi lahat ng mga magkarelasyon ay ‘open-minded’.

Payo ng mga eksperto, para maging maayos ang pakikipag-diskusyon sa iyong partner ay huwag agad manghusga kundi makinig muna.

Dahil ang pagiging bukas sa pakikipag-usap sa iyong partner ay isang senyales din na maging interesado siya na pakinggan ka at maging tapat sayo.

Ang pakikipag-‘argue’ ay isang paraan para mailabas ang emosyon.

Ang pinaka-mabilis na pumapatay sa ating mga emosyon ay iyong hinahayaan natin itong sumabog nalang.
Kaya dapat ugaliin na maging open sa ating mga nararamdaman kapag nasa isang relasyon.

Instagram