Ang Pasko sa bansang Malaysia ay itinuturing na commercial at secular holiday. Ang mga Kristiyano sa bansang ito binubuo lamang ng halos 10% ng populasyon, kaya karamihan sa mga tao sa Malaysia ay iniisip lamang ang Pasko bilang fun time na mayroong mga parties at dekorasyon sa mga pamilihan at pampublikong lugar.

Ang Christmas Day (25th) ay isang national public holiday at ang Christmas Eve ay isa rin public holiday sa Sabah Province.

Ang mga shopping malls ay ginagawa ang lahat upang magkaroon ng malaki at pinakat-impressive na dekorasyon at naglalakihang Christmas displays. Ito’y kinabibilangan ng maraming ilaw, may pigura ni Santa Claus, reindeer, fake snow at higanteng Christmas trees. Ang ilan sa mga mall sa Malaysia ay mayroong mga atraksyon katulad ng indoor ice rinks at carol singers.

Sa oras na magtapos na ang araw ng pasko sa Malaysia ay kaagad nilang tinatanggal ang mga dekorasyon upang bigyan-daan at paghandaan ang pagsapit ng Bagong Taon.

Ang mga restaurants sa bansang Malaysia ay mayroong special Christmas menus. Itinuturing din nilang big day ang Bisperas ng Pasko kung saan marami ang nagpupunta ng mga restaurants, nagsasagawa rin sila ng mga Christmas parties bilang selebrasyon ng Kapaskuhan. Ang pagkakaroon ng roast or fried chicken ang pinaka-popular na Christmas dish sa Malaysia.

Hindi rin nawawala ang bigayan ng mga regalo sa mga Malaysians. Nagbibigay at nakakatanggap sila ng pera na nakalagay sa pulang sobre o tinatawag nilang ‘Ang Paus’. Kalimitang bagsak-presyo ang mga tindahan mula Pasko hanggang Bagong Taon, kaya doon nila ginagastos ang kanilang mga Ang Paus.

Sa Bisperas ng Kapskuhan, may ginaganap na Masaya at makulay na firework displays. Ito’y madalas inoorganisa sa mga syudad kung saan gustong puntahan ng mga tao upang masaksihan ang fireworks pagkatapos ng kanilang Christmas meal.

Ang mga Kristiyano sa Malaysia ay pumupunta sa mga church service tuwing Midnight Mass service sa Christmas Eve o sa mismong Christmas Day.

Instagram