Inasal na manok, o chicken inasal, ay itinuturing na isa sa mga pinakamasarap na luto sa manok sa buong mundo, ayon sa isang food and lifestyle website.
Sinabi ng Taste Atlas noong Sabado na ang iconic na pagkain mula sa Pilipinas ay nakakuha ng ika-15 pwesto sa kanilang ranking ng “50 Best Chicken Recipes from Around the World.
Nakakuha ng 4.5 stars out of 5 stars ang Chicken Inasal sa website ng Taste Atlas. Ang Iranian dish na Jujeh Kabab, isang tradisyonal na inihaw na manok na may saffron, ang nakuha ng pinakamataas na score na mayroong 4.8 stars.
Inilarawan ng Taste Atlas ang inasal na “isang natatanging inihaw na manok, na pagkain ng mga Pilipino na nagmula sa Bacolod at naging tatak na putahe ng buong rehiyon ng Visayas. Ito ay ginagamitan ng iba’t ibang parte ng manok na marinated sa timpla ng suka at iba’t ibang pampalasa tulad ng tanglad, bawang, at luya.”
“Habang iniihaw ang karne,ito pinapahiran ng langis na may kasamang annatto na nagbibigay sa manok ng nakakagutom na kulay at natatanging lasa ng paminta. Karaniwang inihahain ang putahe kasama ang sinangag na may kasamang annatto at maanghang na suka,” dagdag pa nito.
Sinabi ng Taste Atlas na ilan sa mga pinakamasarap na chicken inasal sa buong mundo ay matatagpuan sa Aida’s Manokan at Nena’s Beth sa Manokan Country, parehong matatagpuan sa Bacolod City, Negros Occidental, ayon sa mga review ng mga food critics.
Noong nakaraang taon, nakuha ng chicken inasal ang ika-limang pwesto bilang best in the world sa Taste Atlas’ October ranking.