Isang pasyente mula sa US na may leukemia ang naging kauna-unahang babae at ang ikatlong tao na gumaling sa HIV matapos makatanggap ng stem cell transplant mula sa HIV-resistant donor, batay sa ulat ng mga researchers.
Kadalasang sinasabi ng mga researchers na tila “out of reach” pang makahanap ng cure sa HIV, ngunit, umaasa sila na malapit na nila itong marating.
Ang pasyente ay isang 64-year-old na babae na mixed race, at nangangailangan ng stem cell transplant para sa kanyang leukemia, ay naiulat na naka-develop ang kanyang katawan ng bagong HIV-resistant immune system.
Ang nanguna sa pag-aaral ay si Dr. Yvonne Bryson, isang infectious disease physician sa UCLA. Tinalakay ni Dr. Bryson kasama ng kanyang team ang kanilang findings sa Conference on Retroviruses and Opportunistic Infections.
“Today, we reported the third known case of HIV remission and the first woman following a stem cell transplant and using HIV-resistant cells,” sinabi ni Bryson sa isang press conference batay sa ulat ng ABC News.
“This case is special for several reasons: First, our participant was a U.S. woman living with HIV of mixed race, who needed a stem cell transplant for treatment of her leukemia. And she would find a more difficult time finding both a genetic match and one with the HIV-resistant mutation to both cure her cancer and potentially her HIV. This is a natural, but rare mutation.”
Dagdag pa ni Bryson, na ang paraan sa pag gamit ng genetically-matched umbilical cord blood na may HIV- resistant mutation ay mag bubukas sa mas malaking populasyon at pag aaral.
Ayon sa National Institute of Allergy and Infectious Diseases, ang pasyente ay bahagi ng pag-aaral na nagsimula noong 2015, nilalayon nito na i-monitor ang outcome ng 25 na indibidwal na may HIV sa US na sumailalim sa transplant.
“Not Ideal Method”
Noon, dalawang lalaki lamang ang gumaling sa HIV gamit ang one marrow o stem cell transplant. At kahit ito na ang pangatlong kaso, batay sa team ni Bryson, sa kasalukuyan, hindi ito ang ideal na method upang ma-cure ang milyong-milyon HIV-positive sa buong mundo.
Sa isang panayam kay Community Health Center, Inc., Dr. Anthony Fauci, sinabi niya na, “This person had an underlying disease that required a stem cell transplant. … It is not practical to think that this is something that’s going to be widely available,” Fauci added. “It’s more of a proof of concept.”
(ABC News Network, Reuters)