Karamihan pa rin sa mga bansa sa buong mundo ang hindi pumapayag sa same-sex marriage. Sa paglipas ng panahon, tumataas na rin ang bilang ng mga bansa na nagpapahintulot nito. Sa ngayon, mayroong ng tatlumpung (30) bansa na aprubado na ang same-sex marriage bill.
Anong bansa ang unang nagpahintulot ng same-sex marriage? At sa kasalukuyan, anu-anong mga bansa ang aprupado dito? Alamin at basahin.
Alam nyo ba na sa buong Asya, ang bansang Taiwan ang kauna unahang nagpahintulot ng gay marriage? Noong Mayo 2019, pumayag ang Taiwan sa same-sex marriage bill.
Sinasabi nila na karamihan sa bansang Asya ay “tolerant” sa mga homosexuality, pero isang bansa pa lamang ang nag-aprubado nito. Maliban na lang ang mga bansa sa may wider Asia-Pacific region, kung saan nagpapahintulot rin ng gay marriage laws ang Australia (2017) at New Zealand (2013).
A little bit of History
Sa buong mundo, ang bansang Netherlands ang pinaka-unang bansa na nag-legalized ng gay marriages noong December 2000 nang naipasa ang Dutch parliament.
Simula noon, dumagdag na ang bilang ng mga European na bansa na tumatanggap ng gay marriages tulad ng, Austria, Belgium, Britain, Denmark, Finland, France, Germany, Iceland, Ireland, Luxembourg, Malta, Norway, Portugal, Spain, Sweden at most recently ang Switzerland.
Pero as early as 1989, for the first time sa buong mundo, ilang mga gay couple sa Denmark ang nagpakasal sa mga civil union, ngunit, kahit may legal standing ang kanilang relationship, hindi naging ganap ang kasal.
In America
Sa bansang America naman, ang Canada ang unang nag-authorized ng same-sex marriage noong 2005.
At noong 2015, na-legalized ng US Supreme Court ang gay marriage nationawide sa panahon na ban ito sa 14 out of 50 states.
Ngunit, ang pinaka-unang naganap na gay marriage ay nangyari noong 1971, noong nakatanggap ang isang Minnesota couple ng marriage license salamat sa isang overlooked na legal loophole. Pero nitong March 2019 lamang officially na-recognize ang kasal, matapos ang five-decade legal battle.
Sa Latin America, anim na bansa ang nagpapahintulot ng same-sex marriages: Argentina, Brazil, Colombia, Ecuador, Uruguay at Costa Rica.
Samantala, ang federal capital ng Mexico ay nag-authorized ng gay marriages noong 2009 kung saan 32 states nito ang sumunod.
At ang latest na nag-legalized ng full-blown same-sex marriage nitong Martes, ay ang bansang Chile.
Israel leads the way
Sa Middle East, repressed doon ang mga homosexuals, at ang bansang Israel ang nangunguna pagdating sa gay rights, kung saan ni-rerecognize nila ang same-sex marriages na ginanap sa ibang bansa, bagaman hindi sila nagpapahintulot ng gay marriages sa kanilang sariling bansa.
Ilang bansa sa mga “conservative region” ay nagpaparusa ng death penalty para sa homosexuality, kabilang ang Saudi Arabia at United Arab Emirates.
Only One in Africa
Ang South Africa lamang ang nag-iisang bansa sa African continent na nagpapahintulot ng gay marriage, kung saan na-legalized ito noong 2006.
May 30 African na mga bansa na ban ang homosexuality, kasama ang Mauritania, Somalia at Sudan na may kaparusahang death penalty para sa same-sex relations.
Sa ngayon, parami na nang parami ang mga bansang nagiging bukas sa same sex marriage, habang ang iba naman ay patuloy na ikinukondena ito. Pag dating ng panahon, matatanto ba natin ang tunay na kahulugan ng pag mamahal?
With reports from © Agence France-Presse