Sa bansang Vietnam, mas importante ang selebrasyon ng Christmas Eve kaysa Christmas Day. Ang araw ng Pasko ay hindi itinuturing na public holiday sa bansang Vietnam at iniisip lamang nila na ito’y para sa mga Kristiyano.

Sa syudad ng Ho Chi Minh, ang pinakamalaking syudad sa Vietnam na tinatawag rin na Saigon, ang mga tao doon lalo na ng mga kabataan ay gustong magtungo sa mga centro ng syudad kung saan matatagpuan ang Catholic Cathedral. Ang mga kalsada ay puno ng mga tao tuwing Bisperas ng Kapaskuhan at hindi puwedeng pumasok ang mga sasakyan tuwing gabi.

Ipinagdidiwang nila ang Kapaskuhan sa pamamagitan ng paghahagis ng mga confetti, pagkuha ng mga litrato habang masayang pinagmamasdan ang mga Christmas decorations at lights  sa mga naglalakihang hotels and department stores. Bukas din ang mga cafes at restaurants upang mag-enjoy ng mga tao.

Sa Vietnam, kaunti lamang ang mga Kristiyano subalit karamihan sa kanila ay nagpupunta sa mga Midnight Mass services upang manuod ng Nativity plays at making ng mga Christmas music.

Ang Vietnam ay naging bahagi noon ng French Empire kaya’t makikita pa rin ang impluwesnisya ng bansang Pransya sa kanilang Christmas traditions.

Instagram