Karamihan sa mga tao sa Indonesia o halos 80 porsiyento ay mga Muslims, at 10 porsiyento  lamang ng populasyon nito ay Kristiyano o tinatayang 20 milyong katao! Gustong-gusto ng mga Indonesian Christians ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Kalimitan silang pumupunta sa mga church services tuwing Christmas Eve at sa mismong Christmas Day. Makikita sa mga simbahan at cathedrals, ang kanilang mga ginawang nativity scenes na ginagamit nila bilang bahagi ng Nativity drama performance.

Ang Christmas trees naman sa Indonesia ay karaniwang gawa sa plastic o artificial lamang. Bagama’t hindi gaanong karaniwan, ang ilang mga tao ay may mga tunay na Pine tree na pinalamutian nila bilang mga Christmas tree. Ang pinakamalaking producer ng tunay na mga puno ay matatagpuan sa Puncak, West Java. Ang isa pang espesyal na uri ng Christmas tree ay ang mga gawa sa balahibo ng manok – na gawa ng mga tao sa kanilang mga tahanan sa isla ng Bali. Ang mga feather trees na ito ay ini-export sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Sa unang bahagi ng Disyembre, ang malalaking Christmas tree na may maganda at makukulay na dekorasyon ay kalimitang makikita sa mga shopping mall sa malalaking siyudad sa buong bansa. Noong 2011 mayroon ding isang malaking Christmas tree na gawa sa nakakain na tsokolate, na nilikha ng mga propesyonal na Indonesian chocolatiers!

Ang mga popular na Christmas carols sa Indonesia ay ang ‘Malam Kudus’ – ang Indonesian version ng ‘O Holy Night’) at ‘Malam Kudus’ – ang Indonesian version ng ‘Silent Night’. Ang mga kantang ito ay kadalasang kinakanta tuwing Bisperas ng Pasko sa mga simbahan ng mga choir sa tuwing candle-light service, at kapag iniisip ng mga tao ang tungkol sa kwento ng Pasko.

Ang mga palabas sa Indonesian television channels ay mga Christmas themed musical concerts. Ang taunang Christmas celebration event, na isinasagawa ng Indonesian Government, ay palaging isinasahimpapawid ng state-owned television channel na TVRI. Ang pinakasikat na mga pelikulang Hollywood na nai-broadcast sa Indonesian tuwing Pasko ay ang Home Alone series.

Sa Indonesia, ang tawag kay Santa Claus ay ‘Sinterklass’. Si Sinterklass ang nagbibigay ng regalo sa mga bata sa araw ng Pasko. Makikita rin siya sa mga shopping malls, at iba pa. Ginagawa din ng mga Christians sa Indonesia ang exchange gifts tuwing Christmas day.

Hindi rin puwedeng mawala sa mga hapag ang cookies tuwing Pasko sa Indonesia. Kabilang sa ilang sikat na uri ng cookies ang ‘Nastar’ isang butter cookie na may pineapple jam filling, cheese cookies na tinatawag na ‘Kastengel’ at ‘Putri Salju’ o ‘Snow White’ cookies, isang butter cookie na nababalutan ng powdered sugar at keso!

Sa Indonesia, ang Happy/Merry Christmas ay ‘Selamat Natal’.

Instagram