Para makatipid, tayong mga Pinoy ay mahilig bumili ng mga ukay-ukay o mga second hand na kagamitan, at batay sa isang pag-aaral ang Pilipinas ang may pinaka-receptive ng mga ito sa Greater Southeast Asia region.
Nakita ng Carousell Recommerce Index (2021) na ang Pilipinas ang “most receptive market to second-hand items,” sa Southeat Asia kung saan 58% ng mga Filipino online consumers ang pinaka-komportable sa pagbili ng mga second-hand apparel.
Habang, 75% ng mga Filipino merchants ay mas pinili magbenta ng mga second-hand.
“This is the highest among all Carousell Group markets,” batay sa isang press statement patungkol sa pag-aaral.
Ayon sa press statement, 92% ng mga consumers sa Pilipinas “responded that they’ve bought second-hand items including unused and brand-new items by casual everyday sellers.”
Dahil mura ang mga second-hand items, 74% ng mga Pilipino consumers mas gusto bumili ng mga ito.
Samantala 72% ng consumers na hindi pa nakakabili ng mga second-hand items ay nagsasabi na “having authentication and warranty of products will motivate them to buy second-hand items.”
Sinabi ng Carousell Recommerce Index na ang mga consumers sa rehiyon ay may tinatayang 102,556 unwanted items sa bahay na maaring mabenta.
“The Philippines is one of the markets that had the most users forecasting 100 unwanted items to sell, and tied with Hong Kong in third place for the highest average items per user at 43 unwanted items,” sabi ng press release.
“While most consumers estimated earning between P2,501 to P5,000 for selling their unwanted items, 11% believed they could earn more than P35,0000,” dagdag nito.
Sakop ng pag-aaral ang apat na Carousell Group brands (Carousell, Ch? T?t, Mudah.my and OneKyat) sa walong market sa Southeast Asia: Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Taiwan at Vietnam.
Mahigit 3,000 buyers at sellers ang kasangkor dito.
(GMA Network)