Parang imposible pero pwede! Maari kang maging maganda kahit walang nilalagay na mamahaling make-up. Sa pamamagitan ng mga simple at madaling paraan, kayang-kayang ma-achieve ang pretty looks na iyong inaasam. Narito ang 6 na paraan para makamit ang kaaya-ayang hitsura ng ating mukha.
1.) Ingatan ang mukha
- Ugaliing maghilamos ng 2 beses sa isang araw. Isa sa umaga at bago matulog. Maglagay din ng moisturizing cream para hindi maging dry ang kutis ng iyong mukha.
2.) Wag kalimutan ang lips
- Ang toothbrush ay hindi lamang para sa paglilinis ng ating mga ngipin. Maaari din itong gamitin sa ating mga labi. Sa pamamagitan ng toothbrush, dahan-dahang kuskusin ang mga labi para ma-expoliate,maging mas mapula at mas mukhang mapintog ang mga lips.
3.) Ugaliing mag facial Massage
- Kung mayroong body massage para ma-relax ang katawan, ang ating mga mukha ay kailangan din ng facial massage. Nag dudulot ito ng magandang sirkulasyon ng dugo sa ating facial tissue, na nag reresulta sa mas glowing at youthful-looking skin sa ating mukha. Makakatulong din ang facial massage para mabanat ang balat at mabawasan ang kulubot nito.
4.) Ayusin ang Kilay
- Sabi nga nila ” a girl is not complete without their eyebrows” at “Behind every great beauty is a great brow” – Slash
Kaya sa pamamagitan lamang ng maliit na suklay na pangkilay, kortehan at ayusin ito.”Kilay is life” kaya magkilay din pag may time. Tandaan never under estimate the power of a perfect eyebrows!
5.) Kurutin o pisilin ang mga pisngi
- Ang simpleng paraang ito ay mag bibigay ng instant rosy cheeks effect. Pero paalala, hinay lamang baka mamaga ang pisngi pag nasobrahan!
6.) Ngumiti!
- At syempre wag kalimutang ngumiti. Mas maaliwalas at magaaan ang ating mukha pag tayo ay ngumimgiti. Alam nyo ba na ang pag ngiti ay isang form ng exercise para sa ating mukha. Mayroong halos sampung muscles sa ating mukha ang naapektuhan pag tayo ay ngumingiti at 15 muscles naman pag tayo ay tumatawa. Kumpara sa 6 na muscles naman kapag tayo ay nakasimangot.
(LE MAQUETTE – ImmortalBeauties)